Saturday, December 12, 2009

Racial Discrimination and Corruption

Nagpunta ako kahapon sa Indonesian Immigration office dito sa Bali. Hulaan ninyo. Nahirapan akong mag-renew ng aking visa. Well, maraming hinahanap. Tapos, tinanong ko kung ilang araw ang processing. Tatlong araw daw. Pero ito ang catch. Sinabi niya sa akin ng kausap ko sa taong nasa window ng visa processing eh puwede daw kaming magkaroon ng arrangement at makukuha ko daw agad depende na lang kung gusto ko daw magbayad! Korupsiyon! Eto pa, lahat ng transaksiyon dito eh kailangang magbayad ka ng documentary stamp. Okay lang iyon. Kung yun ang patakaran ng gobyerno. Ang nakakaasar ang 6,000rupiah na documentary stamp eh pinababayaran sa akin ng 7,000rupiah. Siguro hindi na rin kayo magugulat kung sasabihin ko sa iyong pinabayaran sa akin ng 10,000rupiah ang application form na pang photocopy lang ata. Merong resibong ibinigay sa akin? Wala!!!

Eto pa. Tinanong nung lalaki kung magkano ang suweldo ko. Sabi ko, volunteer lang ako sa Indonesia. Hindi daw siya naniniwala kasi kung gayon bakit hindi na lang daw ako sa Pilipinas mag-volunteer? Ang sagot ko halos lahat ng pinoy nakakapagsalita ng ingles.

Et pa. Nagtataka ako bakit ang hirap nilang i-process ang visa application ko eh renewal na lang naman iyon. Maraming puwedeng sapantaha pero hindi ko talaga alam.

Pero ito ang napansin ko. Noong nag-apply ako ng chinese visa sa singapore, ang mga kasabay kong nag-apply eh mga indonesians. hulaan ninyo? Lahat sila eh denied! Hindi kaya pinahihirapan nila ako sa visa ko dahil nahihirapan din ang kapwa nila indonesians sa pag-apply ng visa para sa ibang bansa?

Kagaya iyan ng nangyari sa akin sa thailand. Noong isang taon ito nangyari. Nagbus ako mula Thailand papuntang singapore. Aba! nang palabas na ako ng thailand, sa thai immigration, andaming tanong ng thai immigration officer. saan ka nagtratrabaho. bakit ilang beses kang pumasok ng thailand. (Halos buwan-buwan kasi ay nasa Thailand ako para pumunta ng banko at mag-withdraw ng pera). Siguro inabot ako ng isang oras sa Thai Immigration. Ang feeling ko kinawawa ako ng thai immigration. Pati yung driver at conductor ng bus eh tinatawanan ako at parang binabastos ako. Cool lang ako. Sa isip ko, may araw din kayo. Eto ang siste. Pagdating namin ng singapore, sa mga 30 na nakasakay ng bus eh 6 lang ang nakapasok. Limang singaporeans at isang pinoy. Ako ang pinoy. Yung mahigit na 20 na thais eh hindi nakapasok ng singapore. hahaha. Eto pa. Biglang bumait sa akin ang driver at conductor ng bus nang napansin nilang ang bilis kong dumaan sa singaporean immigration officer.

Eto, siguro hindi naman ako biased lang dahil dayuhan ako dito. Dahil tatlong taon ako sa Cambodia at hindi ako nagsulat tungkol sa corruption doon. Dahil hindi ko direktang naranasan ang korupsiyon sa Cambodia. Oo, meron racial discrimination doon. Pero wala akong naranasan sa korupsiyon. Pero dito talaga, grabe!

No comments: