Saturday, December 12, 2009

Perspektibo Lang 'Yan!

Couple of years ago, while I was on my way to Tampines Public Library in Singapore I chanced upon a panhandler near Tampines MRT Station. He was preparing his stuff. Mixing with his sound system, testing his microphone, positioning his money box (where passersby can drop coins)… And lo and behold! I saw among his things an Apple Computer? A pandhandler having his own apple computer? Sa atin nga, yung regular office worker walang apple computer eh. Oh, anyway, this is Singapore.

Then, I again saw an old lady selling tissues near the MRT Entrance. Those ladies who are selling tissues can be compared or equated sa mga beggars sa atin na nagtitinda ng basahan at sampaguita. Wala kasing beggars dito. Napansin ko ang kanyang suot. Malinis na t-shirt, nakatsinelas na goma, malinis ang kuko. Pero alam mong mahirap siya kumpara sa mga tao dito sa Singapore. Naisip ko sa atin, ang mga beggars marurumi ang damit, halos buwan na yatang hindi nalalabhan. Pudpod ang tsinelas. Marumi ang mga kuko. Pero mas may malaking kaibhan.

Ang babaeng nakita ko: malungkot na malungkot. Nakakunot ang nuo. Halata mong sobrang nabibigatan sa prublemang dala-dala.Yung mga tindera ng basahan at sampaguita sa atin: Parang hindi alintana ang prublema. Parang ordinaryo lang sa kanila ang hirap na nararanasan.

Naisip ko, ang buhay nga naman ay perspektibo lang. Dito, ang mga sobrang hirap eh nahihirapan sa buhay dahil nakita nila ang kaginhawahan ng Singapore. Siguro, bagot na bagot na siya kasi hindi niya maranasan ang ginhawa ng buhay na nakikita niya. Pero kung tutuusin, mas maalwan pa ang buhay niya kaysa sa mga nagtitinda sa Divisoria. Sa Pilipinas, ang mga pulubi o nagtitinda ng bahasan eh kontento na sa buhay nila. Hindi nila alintana ang walang pera kasi hindi naman nila nakikita masyado ang kaibhan ng buhay nila sa buhay ng nagtitinda sa palengke o sa buhay ng ordinaryong pilipino.

Naaala ko pa nga noon, kumakain ako ng lugaw sa may kariton sa may Baclaran. Katabi kong kumakain ay isang pulubi. Minsan naman ay kumain ako sa Jollibee. Merong pulubi na pumasok. Nagpapalit ng mga barya. Nagulat ako sa dami ng inilabas niyang barya. Pagkalabas ng ale eh kinausap ko ang manager (o supervisor?) ng Jollibee. Nalaman ko na araw-araw nagpapapalit ng barya ang pulubi. At araw-araw eh nagpapapalit siya ng mahigit taltong daang piso. Wow! Mas malaki pa ang kinikita niya sa akin! Eh noong nagtuturo ako noon ng Kindergarten eh kumikita lang ako ng P2,500 isang buwan. Sabagay 1990 pa iyon.

Suma total, naisip ko na ang buhay ay perspekibo lang. Kung tingin mo ay masaya ang buhay, masaya talaga ang buhay. Kung tingin mo ay mahirap ang buhay, talagang mahirap ang buhay. Kung tingin mo ang buhay ay malungkot, talagang malungkot ang buhay.

Therefore, again, I will say: Live and let live!

No comments: