Bayan kong Pilipinas, Ina na nag-aruga;
Ibububo ang lakas para sa iyong paglaya.
Buhay ma’y mapigtas aking ikasisiya
Upang ang kalayaan atin namang matamasa.
Noo’y pinangarap ko tunay na kasarinlan
‘Yung walang paglililo’t di galing sa dayuhan
Na kanilang regalo na hihintayin lamang.
Upang ito’y matamo, dapat na ipaglaban!
O bansang minamahal! Mutya ring hinihirang!
Sa kadena mong bakal ika’y pakakawalan;
Gayundin sa kolonyal po naming kaisipan
Nang itong kalayaa’y makamtan ng lubusan.
Lumaya nga ba tayo nang magpulong sa Kawit?
At bandila’y itayo upang sabayan ng awit?
Kahit na itong puso’y iba ang sinasambit.
Kalayaan nga ba ito? Sadyang napakasakit!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment