Saturday, December 12, 2009

Alikabok

Ako’y isang alikabok

Pinapadpad ng hangin

Di tiyak ang patutunguhan

Gustong pumaroon

Ngunit inilipad ng hangin paparito

Walang magawa

Walang nagawa

Pagkat walang halaga

Walang importansya

Inaalis sa lahat ng makapitan

Pinapagpag sa lahat ng kinalalagyan

At kung saan man mapadpad

Ang iba’y walang pakialam

Walang pakialam

Ianod man ng dagat

Ilipad ng hangin sa alapaap

Ipadpad man sa disyerto

Walang makakapansin

Papano’y walang may pakialam

Dahil walang importansya

Yan ang buhay ko

Yan ang buhay ng tao

No comments: