Monday, March 8, 2010

What's In A Name?

Last week, tinawag akong pastor ng isang young people. I told him that I am not a pastor. There is only one pastor in the church at itinuro ko ang aming Pastor. :-)

Oo, noong estudyante ako sa seminary (Philippine Baptist Theological Seminary) eh nasanay akong tawaging pastor. Kasi lahat naman kami doon eh tinatawag na pastor. So, to be one with them and be like them eh okay lang sa akin na tawaging pastor. Noon yun. Noong estudyante pa ako sa seminary. Iba na ang kuwento ngayon. :-)

Ewan ko. Ayaw ko talagang patawag ng Pastor sa maraming kadahilanan. Una, parang hindi ako worthy patawag ng pastor. Parang ang bigat ng burden ng isang pastor. And I think I did not meet even a single criterion to be called a pastor. Pangalawa, parang (sa tingin ko lang ha) kapag pastor eh may distance sa ordinaryong tao. Probably because the pastor is chosen by God to do a special work for Him. Eh alam mo naman ako. Gusto ko kabilang ako sa masa. Sa mga ordinaryong tao. Kaya mas gusto kong matawag na kuya. :-)

Meron namang tumatawag sa akin ng Bro. Jun. :-) Well... actually... okay lang sana. Pero tuwing tinatawag akong Bro. Jun eh naalala ko ang mga katolikong seminarista. Di ba ang tawag sa kanila ay Brother? Tapos, kapag ganap na silang pari eh Father na? Kaya ayaw ko ring patawag ng Bro. Jun. Isa pa, parang banyaga yata iyon. Eh kahit na 104/120 ang TOEFL iBT ko at English teacher ako dito eh mas gusto ko pa ring gamitin ang sariling wika natin.

Madalas naman akong tawagin "Phu" dito sa Cambodia. Maski mga drivers ng pampublikong sasakyan eh ang tawag sa akin eh "Phu". Ano ang ibig sabihin ng "Phu"? Uncle. Yes, uncle ang ibig sabihin ng "Phu". Grrrr!!! Ganoon na ba ako katanda?

No comments: