Saturday, March 27, 2010

Detalyadong Kuwento

( I am reposting here an entry from my old blog account. I wrote this on June 27, 2006.)

Eto, ang detalyadong kuwento. Siyanga pala, kailangan kong magkuwento sa tagalog dahil sa kapakanan ng mga kasama ko. alam niyo na. Dumating kami dito sa Laos ng Biyernes. Kasama ko si Sam, isang Canadian na nanunuluyan na ngayon sa Hongkong, si Jeff, isang amerikano na nanunuluyan na ngayon sa thailand dahil doon ang base ng kanyang trabaho at si Joshua na isang amerikano na nakabase sa vietnam. Naku! Unang beses kong nakakita ng pulang watawat na may panggapas at martilyo sa gitna. Andami dito. Lahat yata ng opisina ay meron dito. Masaya naman dito. Masarap ang pagkaing Laos. Napapangiti nga ako dahil mga eksperto sa pagkain at kape ang mga kasama ko. Kanina ba naman eh kumain kami ng noodles. Tapos, lahat sila ay nagkaisa na hindi masarap ang sabaw. Sabi nila ay malamang ay lalaki ang baka ng karneng inihalo sa noodles. At iyon daw ay hindi kinapon nang bata pa. Hindi sila nagbibiro nang sinabi nila ito. Kaya sigurado ako na totoo ang sinabi nila. Ngayon ko lang nalaman na kailangan palang kapunin ang baka para maging masarap. Nitong mga nakaraang araw ay bumisita kami sa ilang mga lugar na balak pagtayuan ng plantasyon ng kape. Binisita rin namin ang ilang kilalang plantasyon ng kape dito. Pati na rin ang research center ng kape. Balak kasi nilang magtayo ng plantasyon ng kape dito para makapasok sa bansang ito ang aming "organisasyon". Binisita rin namin ang isang unibersidad (na napakaganda) at malamang ay magturo kami dito ni Vida doon ng libre. Paraan namin ito para makapasok rin ang aming "organisasyon". Kaya sana ay ipanalangin niyo ako. O sige. Bukas ay babalik na ako papuntang Cambodia. Sa muling pagsulat. Pagpalain kayo ng Diyos.

No comments: