Saturday, March 27, 2010

Taong Grasa

(I am reposting here my blog entry in my old blog account. I wrote this on November 15, 2005).

Ewan ko ba? I wish I can do more! Sana mas marami pa akong magawa para sa mga taong hindi pinapansin ng lipunan. Biro mo naman, kanina habang nakasakay ako sa jeep papuntang Jaro ay may nakita akong "taong grasa". Dumugo na naman ang puso ko. Tinanong ko, bakit ganoon? Bakit may mga taong grasa na palaboy-laboy lang sa kalye? At bakit parang bale-wala lang sa mga tao? Walang pumapansin sa kanya? Hindi ba nila naiisip na tao din siya at bilang kapwa-tao ay dapat nilang isipin ang kalagayan ng iba? Siguro, kagaya ko rin silang hopeless. Siguro, kagaya ko rin silang nanghinawa na dahil parang walang nangyayari sa pagtulong. Parang sayang lang ang lahat ng ginagawa sa buhay. Pero hindi dapat ganito ang attitude. Dapat ay hopeful tayo. Kaya nating mabago ang mundo. Iyan ang dapat nating isipin.

Noon, kapag may nakikita akong ganoon ay bumababa ako ng jeep at inaabutan ko ng biskuwit. Pero ngayon ay hindi na. Ewan ko ba. I searched myself at nalaman ko na para bang desperate na rin ako at sa tingin ko ay wala ring mangyayari sa pagtulong. Sa tingin ko kasi ay parang walang gumagawa. O kung meron man ay kakaunti.

Isa na lang talaga ang pag-asa. Ang pagdating ni Kristo. Sana dumating na si Kristo. Pagdating ni Kristo ay wala nang sakit. Wala nang paghihirap. Wala nang prublema.

Sana.

Sana.

Sana.

No comments: