Nasaan ka Irog,
At dagling naparam ang iyong pag-ibig?
'Di baga sumpa mo, ako'y mamahalin?
Iyong itatangi, iyong itatangi
Magpa-hanggang libing,
Subalit nasaan ang gayong pagtingin?
Nasaan ka Irog
At natitiis mong ako'y mangulila,
at hanap-hanapin ikaw sa alaala
Nasaan ang sabi mong
Akoy' iyong Ligaya
Ngayo'y nalulumbay
ay di ka makita.
Irog ko'y tandaan
kung ako man ay iyong siniphayo
Mga sumpa't lambing
Pinaram mong buo
Ang lahat sa buhay ko
ay hindi maglalaho't
Masisilbing bakas
Nang nagdaan
'tang pagsuyo.
Tandaan mo irog,
Irog ko'y tandaan
Ang lahat sa Buhay ko
ay hindi maglalaho''t
Magsisilbing bakas
'Tang Pagsuyo,
Nasaan ka irog,
Nasaan ka irog?
Showing posts with label Awiting Filipino. Show all posts
Showing posts with label Awiting Filipino. Show all posts
Friday, November 8, 2013
Saturday, November 2, 2013
Sitsiritsit
Sitsiritsit, alibangbang
Salaginto at salagubang.
Ang babae sa lansangan,
Kung gumiri’y parang tandang.
Santo NiƱo sa Pandakan
Puto seko sa tindahan.
Kung ayaw mong magpautang,
Uubusin ka ng langgam.
Mama, mama, namamangka,
Pasakayin yaring bata
Pagdating sa Maynila,
Ipagpalit sa manyika.
Ale, ale, namamayong,
Pasukubin yaring sanggol
Pagdating sa Malabon,
Ipagpalit sa bagoong.
Salaginto at salagubang.
Ang babae sa lansangan,
Kung gumiri’y parang tandang.
Santo NiƱo sa Pandakan
Puto seko sa tindahan.
Kung ayaw mong magpautang,
Uubusin ka ng langgam.
Mama, mama, namamangka,
Pasakayin yaring bata
Pagdating sa Maynila,
Ipagpalit sa manyika.
Ale, ale, namamayong,
Pasukubin yaring sanggol
Pagdating sa Malabon,
Ipagpalit sa bagoong.
Lubi-lubi
Lubi-lubi lubi, lubi lingkuranay
Ayaw gad pagsak-i, kay hibubo-ay.
Ayaw gad pagsak-i,
Lubi-lubi
Kon maruruyag ka kumaon hin silot
Didto la nga didto la
Kan Nanay nga didto la.
Kan Tatay nga didto la, pakigsabot.
Agidaw-gidaw an bukaw
Naglupad-lupad ha igbaw
Agidaw-gidaw an gitgit
Naglupad-lupad ha langit Agidaw-gidaw an bukaw
Naglupad-lupad ha igbaw
Agidaw-gidaw an gitgit
Linmupad ha langit
Enero, Pebrero, Marso, Abril, Mayo,
Hunyo, Hulyo, Agosto,
Setyembre, Oktubre,
Nobyembre, Desyembre,
Lubi-lubi.

Paruparong Bukid
Paruparong bukid na lilipad-lipad
Sa gitna ng daan papagapagaspas
Isang bara ang tapis
Isang dangkal ang manggas
Ang sayang de kola
Isang piyesa ang sayad
May payneta pa siya — uy!
May suklay pa man din — uy!
Nagwas de-ohetes ang palalabasin
Haharap sa altar at mananalamin
At saka lalakad nang pakendeng-kendeng.
Sa gitna ng daan papagapagaspas
Isang bara ang tapis
Isang dangkal ang manggas
Ang sayang de kola
Isang piyesa ang sayad
May payneta pa siya — uy!
May suklay pa man din — uy!
Nagwas de-ohetes ang palalabasin
Haharap sa altar at mananalamin
At saka lalakad nang pakendeng-kendeng.
Sa Kabukiran
Sa kabukiran walang kalungkutan
Lahat ng araw ay kaligayahan
Ang halaman kung aking masdan
Masiglang lahat ang kanilang kulay
Ang mga ibon nag-aawitan
Kawili-wili silang pakinggan
Kawili-wili silang pakinggan
O aking buhay na maligaya
Busog ang puso at maginhawa
Lahat ng araw ay kaligayahan
Ang halaman kung aking masdan
Masiglang lahat ang kanilang kulay
Ang mga ibon nag-aawitan
Kawili-wili silang pakinggan
Kawili-wili silang pakinggan
O aking buhay na maligaya
Busog ang puso at maginhawa
Lawiswis Kawayan
Sabi ng binata halina O hirang
Magpasyal tayo sa lawiswis kawayan
Pugad ng pag-ibig at kaligayahan
Ang mga puso ay pilit magmahalan.
Ang dalaga naman ay bigla pang umayaw
Sasabihin pa kay Inang ng malaman
Binata'y nagtampo at ang wika ikaw pala'y ganyan
Akala ko'y tapat at ako'y minamahal.
Ang dalaga naman ay biglang umiyak
Luha ay tumulo sa dibdib pumatak
Binata'y naawa lumuhod kaagad
Nagmakaamo at humingi ng patawad.

Magtanim ay Di Biro
Magtanim ay di biro
Maghapong nakayuko
Di naman makatayo, di naman maka upo
Bisig ko'y namamanhid
Baywang ko'y nangangawit
Binto ko'y namimintig
Sa pagkababad sa tubig
Sa umaga pag gising
Lahat ay iisipin
Kung saan may patanim
May masarap na pagkain
Ay pagka sawimpalad
Nang inianak sa hirap
Ang bisig kong di iunat
Di kikita ng pilak.
Maghapong nakayuko
Di naman makatayo, di naman maka upo
Bisig ko'y namamanhid
Baywang ko'y nangangawit
Binto ko'y namimintig
Sa pagkababad sa tubig
Sa umaga pag gising
Lahat ay iisipin
Kung saan may patanim
May masarap na pagkain
Ay pagka sawimpalad
Nang inianak sa hirap
Ang bisig kong di iunat
Di kikita ng pilak.
Ang Dalagang Pilipina
Ang dalagang Pilipina
Parang tala sa umaga
Kung tanawin ay nakaliligaya
May ningning na tangi at dakilang ganda
Bulaklak na tanging marilag
Ang bango ay humahalimuyak
Sa mundo'y dakilang panghiyas
Pang-aliw sa pusong may hirapBatis ng ligaya at galak
Hantungan ng madlang pangarap
Ganyan ang dalagang Pilipina
Karapat-dapat sa isang tunay na pagsinta
(Maging sa ugali, maging kumilos, mayumi,
mahinhin, mabini ang lahat ng ayos
Malinis ang puso maging sa pag-irog
may tibay at tining ng loob.)

Friday, November 1, 2013
O Maliwanag Na Buwan ni Levi Celerio
O maliwanag na buwan
Nakikiusap ako
Ang aking minamahal
Sana ay hanapin mo
Tadhana ma'y magbiro
Araw man ay magdaan
Ang pag-ibig ko sa kanya
Ay hindi maglalaho
Hanggang sa kamatayan
O, buwan sa liwanag mo
Kami'y nagsumpaan ng irog ko
"Giliw ko," ang sabi n'ya
"Ang puso ko'y iyong-iyo."
O, buwan pakiusap ko
Saan man naroon ang irog ko
Sya'y aking hinihintay
Sabihin mo.
Nakikiusap ako
Ang aking minamahal
Sana ay hanapin mo
Tadhana ma'y magbiro
Araw man ay magdaan
Ang pag-ibig ko sa kanya
Ay hindi maglalaho
Hanggang sa kamatayan
O, buwan sa liwanag mo
Kami'y nagsumpaan ng irog ko
"Giliw ko," ang sabi n'ya
"Ang puso ko'y iyong-iyo."
O, buwan pakiusap ko
Saan man naroon ang irog ko
Sya'y aking hinihintay
Sabihin mo.
Leron, Leron Sinta
Leron leron sinta,
Buko ng papaya,
Dala-dalay buslo, Sisidlan ang bunga,
Pagdating sa dulo, Nabali ang sanga,
Kapos ka paralan, Humanap ng iba.
Halika na Neneng, tayo'y manampalok
Dalhin mo ang buslo, sisidlan ng hinog
Pagdating sa dulo'y uunda-undayog
Kumapit ka Neneng, baka ka mahulog.
Halika na Neneng at tayo'y magsimba
At iyong isuot ang baro mo't saya
Ang baro mo't sayang pagkaganda-ganda
Kay ganda ng kulay -- berde, puti, pula.
Ako'y ibigin mo, lalaking matapang
Ang baril ko'y pito, ang sundang ko'y siyam
Ang lalakarin ko'y parte ng dinulang
Isang pinggang pansit ang aking kalaban.

Karinyosa
Kung ganda ang pag-uusapan
Ay higit na ang Pilipina
Sa lungkot man o sa ligaya
Karinyosa rin at masaya
Sa gitna man ng kahirapan
May sigla pa rin kung kumilos
Pilipina ay karinyosa sa pag-irog
Chorus
Ay hirang, sinta kitang tunay
Puso mo ay ginto
Pangarap ng bawat nagmamahal
Ay mutya, yaman ka sa buhay
Binata ay dukha
Pag di ka nakamtan
Repeat I
Repeat Chorus
Repeat I
Repeat Chorus except last word
Ay higit na ang Pilipina
Sa lungkot man o sa ligaya
Karinyosa rin at masaya
Sa gitna man ng kahirapan
May sigla pa rin kung kumilos
Pilipina ay karinyosa sa pag-irog
Chorus
Ay hirang, sinta kitang tunay
Puso mo ay ginto
Pangarap ng bawat nagmamahal
Ay mutya, yaman ka sa buhay
Binata ay dukha
Pag di ka nakamtan
Repeat I
Repeat Chorus
Repeat I
Repeat Chorus except last word
Atin Cu Pung Singsing
Atin cu pung singsing,
Metung yang timpucan,
Amana que iti,
Qng indung ibatan;
Sancanqueng sininup,
Qng metung a caban,
Mewala ya iti,
Ecu camalayan.
Ing su cal ning lub cu,
Susucdul qng banua,
Picuruz cung gamat,
Babo ning lamesa;
Nino mang manaquit
Qng singsing cung mana,
Calulung puso cu,
Manginuya queca.
Metung yang timpucan,
Amana que iti,
Qng indung ibatan;
Sancanqueng sininup,
Qng metung a caban,
Mewala ya iti,
Ecu camalayan.
Ing su cal ning lub cu,
Susucdul qng banua,
Picuruz cung gamat,
Babo ning lamesa;
Nino mang manaquit
Qng singsing cung mana,
Calulung puso cu,
Manginuya queca.
Wednesday, December 16, 2009
Ay! Ay! Ay! O Pag-ibig
Isa sa mga kanta na natutunan ko noong aking kabataan ay ang Kantang "Ay! Ay! Ay! O Pag-ibig!" Isinulat ito ni Gonzales.
Sa katotohanan, hindi ang orihinal na kanta ang natutunan ko kundi adaptasyon nito. Nilapatan ng ibang titik ang kanta upang maging kantang pang-relihiyon.
Naririto ang orihinal na titik:
Buhat nang kita'y makita
Nadama ang pagsinta
Ng puso kong nagdurusa
Giliw ko, maawa ka.
Huwag mo sanang pahirapan
Puso kong nagdaramdam
Pagkat magpakailanman
Ikaw ang tunay kong mahal
Ay! Ay! Ay! Ay! Ay!
O Pag-ibig
Pag pumasok sa puso ay maligalig
Ay! Ay! Ay! Ay! Ay!
Hanggang langit
Ang pangako ng pusong umiibig
Naririto naman ang adaptasyon na sinasabi ko:
Buhat nang kita'y makilala
Nadama ang pagsinta
Kadiliman ng kahapon
Nagliwanag na ngayon.
Huwag mo sanang pagsarhan
Si Hesus na Anak ng Diyos
Pagkat magpakailanman
Ikaw ang tangi niyang mahal.
Ay! Ay! Ay! Ay! Ay! O pag-ibig
Pagpumasok sa puso ay matahimik
Ay! Ay! Ay! Ay! Ay! Hanggang langit
Ang pangako ni Hesus na umiibig.

Dandansoy
Ang awiting Dandansoy ang isa sa mga kanta na una kong natutunan. Itinuro ito sa amin ng aming guro sa Unang Baytang nang matatapos na ang isang taong pag-aaral.
Malungkot ang kanta. Kanta ito ng pagpapapaalam. Hindi ako nakapagsasalita ng Bisaya pero sigurado ako na ito ay kanta ng isang taong namamaalam sapagkat iiwan siya ng kanyang asawa. Sinasabi niyang kapag ikaw ay nalulungkot at gusto mo akong makita, tanawin mo lamang ang payaw. Ngunit bakit nga ba siya aalis?
Naririto ang kanta.
Dandansoy, bayaan ta ikaw
Mauli ako sa payaw
Ugaling kung ikaw hidlawon
Ang payaw imo la lantawon
Dandansoy, kung imo apason
Bisan tubig di magbalon
Ugaling kung ikaw uhawon
Sa dalan magbubon-bubon
Kumbento, diin ang cura
Munisipyo, diin ang justicia
Yari si Dansoy makuha
Ang panyo mo kag panyo ko
Dal-a diri kay tambihon ko
Ugaling kung magkasilo
Bana ta ikaw, asawa mo ako

Kalesa
Kagabi ay nangangarap ako. Nasa isang komunidad daw ako na walang polusyon. Malinis ang hangin. Bakit? Kasi ay hindi gumagamit doon ng sasakyang ginagamitan ng langis. Ang kalesa at karitela ang pangunahing gamit sa paglalakbay.
Hindi ba maganda ang komunidad na ganoon? Malinis ang hangin at hindi maingay.
Hay! Sana ay maibabalik pa ang dating panahon.
Kalesa
sinulat ni: Ernani Cuenco
Kalesa'y may pang-akit na taglay
Maginhawa't di maalinsangan
Nakahahalina kung pagmasdan
Kalesa ay pambayang sasakyan
Kabayo ay di natin prublema
Pulot at damo lang ay tama na
Matulin din sa kalsada
Tumatakbong maginhawa
Wala pang gasolina
Kalesa ay panghatid tuwina
Lalo na pag gumagabi
At kung kasama ko ang aking giliw
Mangangalesa na rin kami

Bakya Mo Neneng
Bakya Mo, Neneng
sinulat ni: Levi Celerio
Bakya mo, Neneng, luma at kupas na
Ngunit may bakas pa ng luha mo sinta
Sa alaala'y muling nagbalik pa
Ang ating kahapong tigib ng ligaya
Ngunit, irog ko, bakit isang araw
Ay hindi mo ginamit ang bakya kong inalay
Sa wari ko ba'y di mo kailangan
Pagkat kinupasan ng ganda at kulay
Ang aking pag-asa'y saglit na pumanaw
Sa bakya, mo Neneng, na di pa nasilayan.
Kung inaakalang 'yan ay munting bagay,
Huwag itapon, aking hirang, ang aliw ko kailanman

Saturday, December 12, 2009
Barong Tagalog
Tinitingala ko talaga si Kidlat Tahimik. Si Kidlat Tahimik ay isang manunulat, pintor at makata. Nakilala siyang lalo dahil sa pagsusuot niya ng bahag kapag dumadalo siya ng pormal na pagtitipon. Biro mo, lahat ng tao ay naka-kurbata at amerikana. Pero siya ay nakabahag!
Ngayong magsasalita ako sa harap ng mga tao na galing sa iba't ibang bansa ay iniisip ko na sana ay mayroon akong dalang Barong Tagalog. Ipagmamalaki ko ang aking pagiging Pilipino sa pamamagitan ng pagsusuot ng Barong Tagalog.
Kagabi, habang ako ay naglalalakad papauwi, ay kinakanta ko ang Barong Tagalog na inawit ni Ruben Tagalog at sinulat ni Santiago Suarez. Naririto ang titik ng nasabing kanta:
Kung wariin ko sa ngayon ay muling nagbabalik
Ang barong tagalog na sadyang makisig.
Mahaba-habang panahon nawaglit sa ating isip
Na ito'y damit ng bansang mahirap malupig
Ang barong ito ay tatak Pilipinong talaga
Dapat nating mahalin sa tuwi-tuwina
Sa sariling bayan nati'y alinsangan
Makapal na kayoy hindi kailangan
Ang barong tagalog kahit sinamay lang
Ginhawang gamitin sa lahat ng pagdiriwang
Nang maghimagsik itong ating bansa
Dahil sa paglaya
Ang barong tagalog natin ay dakila
Pagka't siyang ginamit
Ng bayaning namayapa

Nabasag Ang Banga
Nabasag Ang Banga
inawit ni Atang de la Rama
Nilikha ni Hermogenes Ilagan
may isang dalagang nagsalok ng tubig
kinis ng ganda nya'y hubog sa nilatik
ano at pagkakaibig ng lumapit
ang isang binatang makisig
wika ng dalaga'y 'wag kang magalaw
tugon ng lalaki ako'y kaawaan
sagot ng babae wag kang mamwisit
sambot ng binata ako'y umiibig
ano ang nangyari
nabasag ang banga
'pagkat ang lalaki ay napadupilas
kaya't ang babae lalong umiiyak
at ang sinasabi ay
siya'y napahamak
ang kinasapitan pagdating ng bahay
ano't umiiyak tanong ng magulang
sagot ng dalaga ay mangyari po inay
ako ay tinakot ng isang aswang
nang sasabihin kong wag magalaw
agad nang inagaw ang banga kong tangay
kaya nga po't ako'y umuwing walang dalang tubig
at pati na ang baro nya puno ng putik
ano ang nangyari
nabasag ang banga
'pagkat ang lalaki ay napadupilas
kaya't ang babae lalong umiiyak
at ang sinasabi ay
siya'y napahamak
ano ang nangyari
nabasag ang banga
'pagkat ang lalaki ay napadupilas
kaya't ang babae lalong umiiyak
at ang sinasabi ay
siya'y napahamak
...
at ang sinasabi ay
siya'y napahamak
Ang awiting ito ay isa sa mga paborito ko noong aking kabataan. Ang kantang "Nabasag Ang Banga" ay inawit ni Atang de a Rama at ang titik ay pag-aari ni Hermogenes Ilagan. Naalala ko pa noon na lagi ko itong ipinapakanta sa aking Lola na si Lola Daday (Eleuteria Distrajo). Dahil din sa awiting ito nagtatalo ang aking isipan tungkol sa kung papaano magsulat.
Ang "Nabasag Ang Banga" ay hitik na hitik sa anyo at retorika. Sa tingin ko, ginamit ng may-akda ang banga upang iabot sa mga mambabasa at mga makikinig ang ideya ng pagtatalik ng babae at lalaki. Ngunit ako ay hindi sigurado sa ganitong hinuha. Maaaring iba ang gustong ipakihulugan ni Hermogenes Ilagan.
Naisip ko tuloy na mas maigi na maging payak at diretso ang pagkukuwento. ... See More
Naalala ko tuloy ang kuwento tungkol sa isang bata na mahilig magbasa ng Wakasan (popular na komiks noong dekada sitenta). May tagpo sa kanyang binabasa na ginagahasa ng lalaki ang isang babae. At ganito inilihad ng manunulat ang kanyang kuwento tungkol sa gahasa. "At pilit na inaagaw ni Rosendo ang bulaklak ni Maria habang pilit namang tinatakpan ng huli ang kanyang bulaklak habang sumisigaw."
Sa madaling salita, nagkaroon ng ideya ang bata na ang gahasa ay kung meron ang isang tao na pilit inaagaw ng iba. Lumipas ang ilaw araw, nakita ng bata ang kanyang kuya na inaagaw nito ang kanyang tsinelas mula sa pagkakakagat ng aso nila. Ang aso naman ay mahigpit ang pagkakakagat sa tsinelas ng kanyang kuya. Ang bata ay patakbong nagsumbong sa kanyang Nanay.
"Nanay! Nanay! Si Kuya! Ginagahasa si Bantay!"
Dahil dito, naisip ko na mas maigi na maging payak at diretso ang paglalahad ng kuwento.

Subscribe to:
Posts (Atom)