Friday, November 8, 2013

Nasaan Ka Irog ni Nicanor Abelardo

Nasaan ka Irog,
At dagling naparam ang iyong pag-ibig?
'Di baga sumpa mo, ako'y mamahalin?
Iyong itatangi, iyong itatangi
Magpa-hanggang libing,
Subalit nasaan ang gayong pagtingin?

Nasaan ka Irog
At natitiis mong ako'y mangulila,
at hanap-hanapin ikaw sa alaala
Nasaan ang sabi mong
Akoy' iyong Ligaya
Ngayo'y nalulumbay
ay di ka makita.
Irog ko'y tandaan
kung ako man ay iyong siniphayo
Mga sumpa't lambing
Pinaram mong buo
Ang lahat sa buhay ko
ay hindi maglalaho't
Masisilbing bakas
Nang nagdaan
'tang pagsuyo.

Tandaan mo irog,
Irog ko'y tandaan
Ang lahat sa Buhay ko
ay hindi maglalaho''t
Magsisilbing bakas
'Tang Pagsuyo,
Nasaan ka irog,
Nasaan ka irog?

Saturday, November 2, 2013

Sitsiritsit

Sitsiritsit, alibangbang
Salaginto at salagubang.
Ang babae sa lansangan,
Kung gumiri’y parang tandang.
Santo NiƱo sa Pandakan  
Puto seko sa tindahan.
Kung ayaw mong magpautang,
Uubusin ka ng langgam.
Mama, mama, namamangka,
Pasakayin yaring bata
Pagdating sa Maynila,
Ipagpalit sa manyika.
Ale, ale, namamayong,  
Pasukubin yaring sanggol
Pagdating sa Malabon,
Ipagpalit sa bagoong.

Lubi-lubi

Lubi-lubi lubi, lubi lingkuranay
Ayaw gad pagsak-i, kay hibubo-ay.
Ayaw gad pagsak-i,
Lubi-lubi

Kon maruruyag ka kumaon hin silot
Didto la nga didto la
Kan Nanay nga didto la.
Kan Tatay nga didto la, pakigsabot.

Agidaw-gidaw an bukaw
Naglupad-lupad ha igbaw
Agidaw-gidaw an gitgit
Naglupad-lupad ha langit
Agidaw-gidaw an bukaw
Naglupad-lupad ha igbaw
Agidaw-gidaw an gitgit
Linmupad ha langit

Enero, Pebrero, Marso, Abril, Mayo,
Hunyo, Hulyo, Agosto,
Setyembre, Oktubre,
Nobyembre, Desyembre,
Lubi-lubi.

Paruparong Bukid

Paruparong bukid na lilipad-lipad
Sa gitna ng daan papagapagaspas
Isang bara ang tapis
Isang dangkal ang manggas
Ang sayang de kola
Isang piyesa ang sayad

May payneta pa siya — uy!
May suklay pa man din — uy!
Nagwas de-ohetes ang palalabasin
Haharap sa altar at mananalamin
At saka lalakad nang pakendeng-kendeng.

Sa Kabukiran

Sa kabukiran walang kalungkutan
Lahat ng araw ay kaligayahan
Ang halaman kung aking masdan
Masiglang lahat ang kanilang kulay

Ang mga ibon nag-aawitan
Kawili-wili silang pakinggan
Kawili-wili silang pakinggan
O aking buhay na maligaya
Busog ang puso at maginhawa

Lawiswis Kawayan

Sabi ng binata halina O hirang
Magpasyal tayo sa lawiswis kawayan
Pugad ng pag-ibig at kaligayahan
Ang mga puso ay pilit magmahalan.

Ang dalaga naman ay bigla pang umayaw
Sasabihin pa kay Inang ng malaman
Binata'y nagtampo at ang wika ikaw pala'y ganyan
Akala ko'y tapat at ako'y minamahal.

Ang dalaga naman ay biglang umiyak
Luha ay tumulo sa dibdib pumatak
Binata'y naawa lumuhod kaagad
Nagmakaamo at humingi ng patawad.

Magtanim ay Di Biro

Magtanim ay di biro
Maghapong nakayuko
Di naman makatayo, di naman maka upo
Bisig ko'y namamanhid
Baywang ko'y nangangawit
Binto ko'y namimintig
Sa pagkababad sa tubig
Sa umaga pag gising
Lahat ay iisipin
Kung saan may patanim
May masarap na pagkain
Ay pagka sawimpalad
Nang inianak sa hirap
Ang bisig kong di iunat
Di kikita ng pilak.